Welcome to my Journey

"Join me as I enjoy being a Mommy-to-be.."

Tuesday, July 24, 2012

Pregnancy Discomfort


Bakit ganun wala akong morning sickness pero pag dating ng hapon parang ang init na pakiramdam ko pero wala naman akong sinat, then nahihilo ako na para bang may mabigat sa batok ko… minsan natatakot ako pero sabi nila dala daw lang ng paglilihi, at ang dami ko pang Discomforts na nararamdaman..

Itchyness – as in ang kati kati paiba-iba ng part e minsan sa likod, sa bandang belly, sa paa, pati sa private part (my OB gave me Betadine Feminine Wash)… na kapag nakita ako ng hubby pinapalo yung kamay ko baka daw magkaron ako ng madaming stretch marks na talaga naming nakakatakot diba?
Vomiting – nasusuka ako kapag na stuck ako sa traffic on the way sa bahay galling sa office tapos ang baho ng usok ng mga sasakyan.. pag dating sa bahay grabe na suka ko..(minsan lang naman kasi sinusundo ako ni dad sa LRT station.

Back Pain – madalas ‘to dahil siyempre 8 hours yung work nakaupo at tayo ka lang sa office, as in pati backbone mo sumasakit talaga kaya pag dating sa bahay humihiga ako kahit 30 mins. Lang pero minsan sa pagod nakakatulog nalang ako.. sabi naman nila ok lang daw ulit dahil nag-eexpand yung mga ribs ng buntis para ma-accommodate yung growing baby.

Frequent Urination – ito kinakainisan ko alam mo yung tipong antok na antok ka bandang 2 am ng madaling araw dahil malamig tsaka naman sasabay yung naweewee ka kahit pigilan mo itutulak ka tumayo, nahihirapan dinkasi ako dahil yung CR naming nasa baba I need to go downstair pa.. kaya ang solusyon bumili ng arenola hehehe.. nakapikit pa ako pag mag wiwi ako, then pag morning si dad pa magbaba which is nakakatuwa..

Urinary Tract Infection – according sa mga doctor almost 50% dawn g mga pregnant women nagsa-suffer sa ganitong infection due narin sa vaginal discharge.. so walang ibang way kundi mag-consult sa OB kung anong gamut ang pwedeng inumin, sometimes kasi hindi rin maganda yung mag self medication.. it can lead harm sa growing fetus inside us..

And this just some of the discomfort ko so far…sana hindi na siya madagdagan, J

No comments:

Post a Comment